DAGUPAN CITY- ‎Nauwi sa trahedya ang simpleng lakad ng apat na magkakaibigan matapos malunod ang isa sa kanila kahapon ng hapon sa Busay Falls sa bayan ng Bani.

Ayon kay MDRRMO Head na si Angelico Ventenilla, batay sa salaysay ng magulang ng biktima, alas siyete ng umaga kahapon nang umalis ito sa kanilang tahanan.

Inakala ng pamilya na papasok lamang siya sa eskwelahan, kaya’t laking gulat nila nang mabalitaang nawawala ang binata.

Samantala, Bandang alas kwatro na ng hapon, nang makatanggap si Ventenilla ng tawag mula sa barangay kapitan na humihingi ng tulong matapos ang insidente sa ilog.

Ayon sa ulat, biglang lumakas ang agos habang naliligo ang grupo. Tatlo sa kanila ang maswerteng nakaligta, ngunit ang isa ay hindi na muling nakita.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad, pero naging pahirapan ang paghahanap dahil sa dilim at lakas ng agos.

Matapos ang magdamag na paghahanap, umaga na nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

‎Sa paunang imbestigasyon, lumabas na hindi dumaan sa barangay hall ang grupo para humingi ng pahintulot.

--Ads--

Doon na napag-alaman na pinilit umanong pasukin ng mga binatilyo ang lugar sa pamamagitan ng pag-akyat sa mga nakasarang gate.

Giit ng MDRRMO, may mga nakalagay nang babalang signage sa paligid ng talon para sa kaligtasan ng publiko, ngunit dahil sa insidente.

Bilang tugon, mas hihigpitan na ng lokal na pamahalaan ang pagbabantay sa lugar upang matiyak na walang makakapasok nang walang pahintulot at maiwasan ang pag-ulit ng ganitong trahedya.