Dagupan City – Nagsapulan ang 2 motorsiklo sa bayan ng Mangaldan.

Ayon kay PltCol. Perlito R. Tuayon, Chief Of Police ng Mangaldan Municipal Police Station, nangyari ang aksidente sa Rizal Avenue sa bayan.

Kinasasangkutan naman ito ng mga estudyante, lumalabas din sa imbestigasyon na positibo ang mga ito sa alak at mabilis pa ang kanilang pagpapatakbo.

--Ads--

Nagtamo naman ang mga ito ng mga sugat sa katawan habang ang mga backrides naman ng mga ito ay nagtamo ng mga gasgas.

Sa ngayon nadala na ang mga ito sa ospital para sa kanilang pagpapagamot at nahaharap sa kasong paglabag sa kawalan ng lisensya, hindi pagsusuot ng helmet, at pagiging positibo sa alcohol.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa local government units at eskwelahan na maglagay ng mga signages para mapanatili ang kaligtasan sa bayan.