Dagupan City – Tinalakay ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang mga panukalang barangay ordinance na naglalayong ipatupad ang isang patakaran para sa drug-free workplace sa mga barangay, sa isinagawang pampublikong pagdinig.

Pinangunahan ang pagdinig nina Councilor Jose Ramos, Chairman ng Committee on Rules, Laws and Ordinances, at Councilor Rodelito Bautista, Chairman ng Committee on Public Order and Safety at Committee on Barangay Affairs.

Inilahad sa talakayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na sistema upang labanan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa mga lugar ng trabaho sa barangay level, kabilang ang mga karampatang parusa para sa mga lalabag.

--Ads--

Nilalayon ng mga panukalang ito na mapanatili ang disiplina at seguridad sa mga barangay workplace at tiyaking protektado ang kalusugan at kapakanan ng buong komunidad.