Dagupan City – Isinagawa ang isang libreng eye screening na bukas para sa lahat ng edad, kabilang na ang mga bata sa Dagupan City kahapon araw ng linggo.
Pinangunahan ang aktibidad ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa Buddhist Tzu Chi Medical Foundation at CSI Group of Companies. Ginanap ang aktibidad sa CSI Stadia Hall 3, simula alas-7 ng umaga.
Kabilang sa mga serbisyong isinagawa ang pagsusuri sa kondisyon ng mata gaya ng katarata, peronism o tinatawag ding “pugita”, problema sa retina, pinaghihinalaang glaucoma, juvenile cataract para sa mga bata, at macular degeneration. Nagkaroon din ng pediatric opta screening para sa mas batang pasyente.
Tumugon sa aktibidad ang mga volunteer na doktor at nars mula sa Tzu Chi Medical Foundation, na nagbigay ng kanilang oras at serbisyo upang matulungan ang mga residente na may suliranin sa paningin.
Bahagi ito ng mga regular na inisyatibo sa Dagupan upang maabot ang mas maraming mamamayan sa aspeto ng kalusugan, partikular na sa mga serbisyong karaniwang may mataas na gastos sa mga pribadong pasilidad.
Ang mga nagnanais pang magpa-check-up ay hinihikayat na abangan ang susunod na iskedyul ng libreng screening sa lungsod.