Dagupan City – Nakumpiska sa naaktuhang isang pot session ng kapulisan ang mahigit limang gramo ng hinihinalang shabu at ilang armas sa bayan ng Villasis.

Nahuli dito ang isa mula sa 3 indibidwal na kasangkot habang ang dalawa ay nakatakbo at nakatakas.

Nangyari ito ng makatanggap ng report ang Villasis PNP sa nangyayaring pot session bandang alas siyete ng gabi kamakailan sa Barangay Lipay na mismong tahanan ng nahuling suspek.

--Ads--

Agad na dumako sa lugar ang mga kapulisan kaya naabutan ang nagaganao na session kaya nalaman na nasa tatlo ang nagsasagawa nito.

Nagsitakbuhan naman ang mga kasangkot nang matunugan na may paparating na pulis ngunit naabutan ang isa na siyang naaresto habang nakatakas naman ang dalawa

Umaabot sa 4 na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 5.6 grams na nagkakahalaga ng ₱38,080.00 ang nasabat kasa ang 1 caliber .38 revolver at tatlong bala nito, isang granada, at mga illegal drugs paraphernalia na ginamit sa lugar.

Dinala naman sa himpilan ng kapulisan ang mga ebidensya at ang suspek na mahaharap sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.