Dagupan City – Pinarangalan ang Dagupan City ng Commission on Population and Development Region 1 sa ilalim ng 2025 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Awards para sa mahusay na pagpapatupad ng mga programang may kaugnayan sa populasyon at lokal na kaunlaran.
Kinilala ang kontribusyon ng iba’t ibang tanggapan ng lungsod gaya ng health, nutrition, civil registry, population, at social welfare offices, kabilang na ang mga barangay-level population workers na katuwang sa pagpapatupad ng mga programa.
Layon ng pagkilalang ito na palakasin ang inisyatiba ng mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng people-centered governance at sustainable development na naaayon sa POPDEV agenda ng pamahalaan.
Ayon sa lungsod, magsisilbing inspirasyon ang parangal upang ipagpatuloy ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan at magsilbing huwaran ng mahusay na pamamahala sa rehiyon.