Mahigit 100 magsasaka ang lumahok sa isinagawang pagsasanay ukol sa agro-enterprise development sa ilalim ng I RISE 4 RICE Project ng Department of Agriculture mula sa Barangay Alitaya, Mangaldan, Pangasinan.
Tinuruan ang mga kalahok ng tamang paraan ng pagtatala ng kita at gastos, at kung paano mas mapapakinabangan ang pera mula sa ani.
Bukod sa mga talakayan, nagkaroon din ng mga aktibidad kung saan agad nilang naisabuhay ang natutunan.
Tinalakay rin kung paano makalalapit sa mga programang nag-aalok ng abot-kayang pautang para sa mga maliliit na magsasaka.
Ang Mangaldan ang tanging bayan sa Pangasinan na nakinabang sa proyektong ito ngayong taon.
Nasa ikatlong taon na ang programa at inaasahang magtatapos sa 2026, kung saan 33 ektarya na ang nasasaklaw at higit 50 magsasaka na ang natulungan.
Katuwang sa pagsasagawa ng aktibidad ang Municipal Agriculture Office at ilang ahensyang pambansa.
Hinihikayat ang mga magsasaka na sumali sa mga ganitong libreng pagsasanay para mas mapaunlad ang kanilang kabuhayan.