Kritikal ang kalagayan ng isang Conservative activist matapos itong mabaril sa isang campus Event sa Utah, USA.
Si Charlie Kirk ay isang influential ally ni US President Donald Trump na kilala sa kaniyang mga open-air debates sa mga paaralan sa bansa.
Kinumpirma ng Utah Valley University na isinasagawa ni Kirk ang kaniyang rally sa paaralan nang mangyari ang insidente.
--Ads--
Anila, nagsasalita na ito patungkol sa gun violence nang mabaril siya sa leeg.
Agad naman tinakbo sa ospital si Kirk at ito ay nasa kritikal na kalagayan.
Samantala, nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek.
Kanilang napag alaman na binaril nito si Kirk mula sa layong umaabot sa 200 yards.
Nagdulot naman ng kaguluhan sa naturang paaralan ang insidente.