Idaraos sa Setyembre 30 at Oktubre 1 ang Negosyo Expo 2025 sa lungsod ng Dagupan mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Bukas ito sa publiko at walang bayad ang entrance.

Layon ng expo na bigyang-daan ang mas malawak na ugnayan sa pagitan ng mga negosyante, mamimili, at suppliers, upang palakasin ang lokal na kalakalan at oportunidad sa negosyo.

--Ads--

Itatampok sa nasabing event ang iba’t ibang produkto at serbisyo mula sa mga maliliit na negosyo, medium enterprises, at mga nagsisimulang kumpanya o startup.

Magkakaroon din ng mga seminar, demo ng produkto, at mga networking activity kung saan maaaring matuto ang mga dadalo mula sa mga eksperto sa negosyo at marketing.

Inaasahan ang partisipasyon ng mga entrepreneur mula sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan at mga kalapit na lalawigan.

Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, layunin ng mga tagapagtaguyod ng expo na mahikayat ang mas maraming Pilipino na magsimula ng sariling negosyo bilang hakbang patungo sa mas matatag na kabuhayan at ekonomiya.