Dagupan City – ‎Isang tree planting at clean-up drive ang isinagawa sa Tondaligan Blue Beach bilang bahagi ng lokal na inisyatiba para sa rehabilitasyon ng dating dumpsite
‎sa Dagupan City.

‎Aabot sa 1,200 punong-kahoy ang itinanim sa pakikipagtulungan ng DENR–CENRO Dagupan, na nagbigay ng 1,000 seedlings, at ng Philippine Coconut Authority na nagpaabot ng 500 punla ng niyog.

Katuwang sa aktibidad ang Girl Scout Dagupan Council at ang City Agriculture Office.

‎Layunin ng programa na linisin at pagandahin ang paligid ng Tondaligan Beach, na itinuturing na pangunahing atraksyong panturista sa lungsod. Bahagi rin ito ng mas malawak na plano ng lokal na pamahalaan na gawing ecotourism area ang dating tambakan ng basura na umabot sa 60 taon bago ipinasara.

‎Nauna nang nakapagtanim ng 1,600 puno sa lugar noong Hunyo 20, kasabay ng pagdiriwang ng Agew na Dagupan. Ang kasalukuyang hakbang ay itinuturing na pagpapatuloy sa naunang proyekto.

‎Hindi pa inilalabas ang eksaktong timeline para sa inaasahang ecotourism park, ngunit patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at lokal na sektor para sa implementasyon ng proyekto.