Dagupan City – Itinampok ang iba’t ibang patimpalak at aktibidad sa selebresyon ng tourism month 2025 sa bayan ng Bayambang.
Pinangunahan ito ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa temang nakasentro sa pagpapalakas ng lokal na turismo, idaraos ang sari-saring aktibidad na sumasalamin sa galing, talino, at husay ng mga taga Bayambang.
Kabilang sa mga patimpalak ay ang Anlong, isang patimpalak sa pagsulat ng tula, Talintao na isang patimpalak sa larangan ng potograpiya, at Mangistorya Ka, isang timpalak sa pagsulat ng maikling kuwento.
Para naman sa mga mag-aaral at kabataang nais sukatin ang kanilang talino, isasagawa ang Awaran Quiz Bee, isang tagisan ng talino.
Bahagi rin ng selebrasyon ang Binasuan Dance Workshop, isang pagsasanay sa katutubong sayaw at Burolicious, isang native delicacy demo.
Sa aspeto naman ng ekonomiya, itatampok ang Tuupan Business and Investment Forum, kung saan nagtipon-tipon ang mga negosyante, mamumuhunan, at mga lider ng bayan.
Tampok din sa selebrasyon ang mga malalaking kultural na pagtatanghal tulad ng Singkapital 2025, Magana Fashion Show, at Himigsikan.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, hindi lamang pinagyayaman ng LGU-Bayambang ang kamalayang kultural ng mga mamamayan, kundi pinatitibay rin nito ang ugnayan ng bawat isa sa pagsusulong ng kanilang lokal na turismo.