Dagupan City – Pormal nang binuksan sa bayan ng Mangaldan ang selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Civil Service kahapon Setyembre 1 araw ng lunes.
Isinagawa ang kick-off ceremony kasabay ng regular na flag raising activity ng lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin sa programa ang mahalagang papel ng mga kawani ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Nagsuot ng Filipiniana-inspired attire ang mga empleyado bilang pagpapakita ng paggalang sa kulturang Pilipino at pagkakakilanlan bilang lingkod-bayan.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang patimpalak para sa pinakamahusay na kasuotan, kung saan binigyang-parangal ang mga nanalo at nakatanggap ng premyong pinondohan ng iba’t ibang tanggapan. Sinundan ito ng masayang palaro na nagbigay ng mga instant cash prize.
Inanunsyo rin ang iba’t ibang aktibidad para sa buwan ng Setyembre tulad ng medical at legal clinics, job fair, wellness day, at employee’s day na layong kilalanin ang kontribusyon ng mga kawani sa maayos na pamahalaan.