Photo Courtesy: Instagram | Chaeyong

Masayang ibinahagi ng Main Rapper ng K-POP girl group na Twice ang surprise music video ng isa sa mga kanta nito sa kaniyang upcoming first solo album na ‘LIL FANTASY Vol.1’.

Nakasama ni Chaeyoung ang Canadian-Japanese band na Gliiico sa kantang ‘Avocado’.

Tampok sa kantang ito ang chill-vibes sa dream like sound at visuals.

--Ads--

Ibinahagi naman niya ang ilang mga litrato at behind the scenes ng music video sa kaniyang social media.

At sa caption nito, labis siyang nagpapasalamat sa mga tumulong upang maisakatuparan ang kaniyang pangarap.

Dagdag pa niya, “This is just the beginning…”