DAGUPAN CITY- Umabot sa mahigit 90k na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Ilocos Region ang nakapagtapos mula noong 2023, sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1.

Ayon sa DSWD, bago matapos ang benepisyaryo sa programa, sila ay inihahanda muna upang makayanan nila ang buhay sa pamamgitan sa pakikipagtulungan sa mga lcal governement unit sa pagbibigay ng iba pang mga tulong. Nasa kabuuuang 92,298 ang bilang ng mga benipisyaryo

Ito ay patunay na ang programa ay nagbibigay ng pag-asa sa mga mahihirap na benepisyaryo upang umangat sa buhay.

--Ads--

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo kapalit ng pagtugon nila sa mga kondisyon tulad ng regular na check-up, pagpasok sa paaralan, at pagdalo sa Family Development Sessions.