Ipinasakamay na ng Pangasinan Provincial Government sa LGU Calasiao, Pangasinan ang pag ooperate ng traffic signal lights sa kanilang bayan.

Ayon kay Calasiao Mayor Patrick Agustin Caramat, promised fullfilled ang naging kasunduan dahil taong 2021 pa napag usapan ng kanyang ina na dating mayor at ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan hinggil sa magkaroon ng traffic light sa nasabing bayan.

At sa tulong ng mga opisyal sa bayan na nagfollow up ay natupad ang nasabing adhikain.

--Ads--

Matagal man ang paghihintay, ito aniya ay dumaan sa masusing pag aaral at kinailangan din ang pagsasanay sa mga POSO.

Aminado si Caramat na malaking bagay ang pagkakaroon ng traffic light dahil dumarami ang mga sasakyan kasabay ng pag usbong ng maraming establisyemento

Malaking tulong aniya ito upang maibsan ang mahigpit na daloy ng trapiko sa kanilang bayan.

Samantala, binati naman ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang LGU Calasiao.

Sa kanyang talumpati, nabanggit ng gobernador na ito ay pansamantala lamang at marami pang magandang plano ang probinsya sa pagresolba sa trapiko sa nasabing bayan.

Samantala, pormal ding nagtapos sa limang araw na training ang mga POSO enforcers mula sa MMDA upang matutukan ang poagsasaayos ng daloy ng trapoiko sa nasabing bayan.