Dagupan City – Nilinaw ng Department of Public Works and highways Pangasinan 1st district engineering office sa lungsod ng Alaminos na walang kahit anumang ghost projects o mga katiwalian sa kanilang nasasakupan pagdating sa mga proyekto na mga imprastraktura gaya ng mga flood control project.

Ayon kay Engr. Marieta Mendoza – District Engineer ng tanggapan, mayroong 46 na flood control projects simula taong 2022 hanggang sa kasalukuyan, kung saan ang halaga ng flood control projects noong 2022 ay nasa 431, 400,000 habang taong 2023 naman ay 713 million pesos at noong taong 2024 naman ay umabot ang pondo na nasa 3,150,647,00 at ngayong taon ay nasa 1,578,892,000

Samantala, ang mga crack o minor damage sa mga bagong gawa na dike ay normal lamang at tiniyak na mayroong steady structure at kasalukuyang isinasaayos gayundin ang mga nasira noong kasagsagan ng bagyong mga nagdaan lalo na at nasa signal no.4 ang bahagi ng western Pangasinan.

--Ads--

Mula naman sa 46 na flood control projects ay lima dito ang nagkaroon ng minor damage o kunting sira dahil sa nagdaang mga bagyo at kasalukuyan na ring isinasaayos ang mga ito kabilang na ang flood control project sa Brgy. Calzada sa bayan ng Mabini.

Ayon sa engineer at contractor na may hawak ng proyekto na sinimulan ito gawin noong buwan ng pebrero at inaasahan na matatapos ito sa mga susunod na buwan. Anila dahil hindi pa tapos ang proyekto at nagkaroon ng bagyo ay hindi maiiwasan na magkaroon ng sira dahil naantala ang kanilang paggawa, agad naman silang nagsagawa ng inspekyon at inaksyunan agad ito.

Malaki naman ang naibigay na tulong ng mga dike para sa pagprotekta sa baha sa mgq kumunidad ng unang distrito.

Samantala sa kabilang banda nito ay kanilang siniguro ang pagsunod sa mandato ng opisina at upang mabigyan ng tapat at tamang serbisyo ang publiko.

Bukas naman ang kanilang tanggapan sa anumang concerns para sa agarang aksyon.