Magandang hakbang ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isailalim sa lifestyle check ang mga public officials na nasasangkot sa maanomalyang flood control projects pero kailangan na tiyaking hindi magamit para abusuhin ang kapangyarihan

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer dito sa lalawigan ng Pangasinan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nagawa na noon ang lifestyle check sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapag Arroyo pero dito ay may mga limitasyon din.

Ang tao na itatalaga na mag che check ng kanilang lifestyle ay limitado lalo sa pagsasagawa ng inquiry sa mga bank deposits maliban lang kung mag execute ng waiver ang public official o may kaso na kung saan ay maaari umanong hingiin sa korte na isubpoena ang mga bank records na pinaghihinalaan na galing sa illegal na paraan.

--Ads--

Ipinaliwanag ni Cera na kabilang sa mga iche check dito ay mga bahay kung saan siya nakatira, kung ito ba ay nakalista sa pangalan niya at kung ari arian ay nagtutugma sa kanyang negosyo at saan siya kumikita.

Kapag mayroong discrepancy ay magrereport ang itinalagang nagcheck ng kanyang lifestyle gayunman ay kailangan pa ng masusing imbestigasyon.

Gayunman, ang mahirap dito ay baka gamitin itong paraan pa abusuhin ang kapangyarihan abusuhin dahil may mga karanasan o pangyayari dati na may mga naimbestighan ng kunwari at nagbabayad na lamang ang mga ito sa mga nag iimbestiga.

Hindi lang dapat ang mga elected officials ang marapat i check kundi isama rin umano ang mga karaniwang empleyado ng gobyerno na kahina hinala ang yaman.

Ang parusa kapag napatunayang ill-gotten wealth (nakaw na yaman) ang isang ari-arian ay maaaring maharap sa kaso depende sa kaso at kaparusahan gaya ng pagkumpiska ng yaman (Forfeiture of Assets), kasong sibil, sa ilalim ng batas, civil forfeiture ay sapat kung mapatunayang hindi tugma ang yaman sa legal na kita ng isang opisyal at Criminal Case.