Hindi na kailangan na bigyan ng karagdagang kapangyarihan ang National Food Authority (NFA)

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa nakikita nila ay sapat na ang kapangyarihan ng ahensya.

Ang pahayag ni So ay kasunod ng pagsusulong ng Department of Agriculture na maibalik sa NFA ang ilan sa mga pangunahing kapangyarihan.

--Ads--

Samantala, muling nanawagan ang SINAG na itaas ang taripa sa imported na bigas dahil ibinabase pa rin ng mga traders at millers sa import price.

Aniya, ang pansamantalang pagsuspinde ng rice importation, ay hindisapat upang matugunan ang matagal nang hinaing ng mga magsasaka dahil pagkatapos ng 60 na araw ay muling papasok muli sa bansa ng mga imported na bigas.

Mas epektibo parin umano ang pagtaas ng taripa upang matugunan ang matagal nang hinaing ng mga magsasaka na nalugi dahil sa sobrang pag-angkat ng bigas sa mas murang halaga.

Kaya’t naniniwala ito na sa pamamagitan ng mas mataas na taripa, mas mapo-protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka, na siyang pinaka-apektado sa patuloy na pagbaba ng farmgate price ng palay.