Dagupan City – Walang bahid ng pagpaparatang at akusasyon ang Social Media Post ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Ani Yusingco, sa kanyang pagbasa sa social media post ng alkalde, wala naman itong direktang pinangalanan o pinaratangan na partikular na indibidwal.

--Ads--

Aniya, malinaw lamang na mayroong umiiral na kultura ng bayaran sa ilang bahagi ng media.

Dito na niya binigyang diin na ang katotohanang nag-react ang media personality na diumano’y ‘inaakusahan’ ay nagpapahiwatig na maaaring may ‘guilt’ o pagkatama sa isyu”. Paliwanag pa niya, may mga naitatala talagang kaso ng ‘payola journalism’.

Kung saan hindi lahat ng impormasyon ay totoo, at hindi rin lahat ay kasinungalingan — pero ang sinabi ni Mayor Sotto ay malinaw na nakaugat sa katotohanan.

Dagdag pa niya, hindi dapat patahimikin si Sotto o baliktarin ang naratibo dahil lamang sa kanyang pagsisiwalat.

Dahil malinaw na ang katotohanan ay hindi dapat ikinakatakot. Kung may anomalya, ang dapat gawin ay imbestigahan ito, hindi takutin ang mga nagsasalita.