Ipinagmalaki ng kanyang kamag anak ang katapangan ng isa sa mga local heroes dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Jose Joe Quijana Edrosolan, isa sa mga kamag-anak ni Don Luis Edrosolan tinaguring local hero mula sa bayan ng Sual, si Don Luis ay isang matatag na tagasuporta ng mga gerilyang Pilipino sa kanlurang bahagi ng Pangasinan.

Noong Enero 8, 1945, pinatay si Edrosolan – hinatulan ng mga Hapones dahil sa pagtulong sa gerilya.

--Ads--

Saad nito na noong panahon umano ni dating pangulong Emilio Aguinaldo, nagboluntaryo si Don Luis na sumama sa mga sundalo niya.

Kasama umano si Don Luis sa mga tumulong kay Aguinaldo na sumakay sa barko sa port ng Sual.

Inaresto siya noong 1944 matapos madiskubreng nagbigay siya ng pagkain tulad ng bigas, baka, baboy, at manok sa mga lumalaban sa mga Hapones.

May monumento si Don Luis sa harap ng lumang bahay sa Barangay Paitan West sa Sual na itinayo noong 1944 bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan

Sa monumento, makikita ang rebulto ni Luis na naka-Katipunero, kasama ang kanyang asawa na si Rosita sa kaliwa at ng kanyang anak na si Lucrecia sa kanan.