Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring maiwasan ang paulit-ulit na flash floods at mapabuti ang irigasyon, suplay ng tubig, at access ng mga sambahayan sa malinis na tubig kung maayos na naisagawa ang mga proyekto ng gobyerno.

Ito ay ay kaugnay sa ibinunyag niyang mga pasaway na mga kontratista matapos matuklasan ang isang “ghost” flood control project sa Bulacan, at naging deja vu na naman nang umulan ng malakas at bahain ang mga kalye ng Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Dito ipinunto ng pangulo ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga naka planong proyekto.

--Ads--

Ayon sa Pangulo kapag lahat na proyekto ay maayos na naipatupad, malaki na sana ang nawalang problema ngayon ng gobyerno at taumbayan.

Matatandaang noong Biyernes, muli na namang nakaranas ng flash floods at malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila na naging dahilan sa pagsuspindi ng trabaho at pag kansela ng klase at pagkaranas ng mabigat na trapiko.

Nitong nakaraang linggo rin nang ininspeksyon ni PBBM ang ilang flood control projects sa Bulacan kung saan kaniyang natuklasan ang ilang ghost projects na iniulat sa Sumbong sa Pangulo website.

Dahil dito ipinag-utos ng Pangulo ang pag blacklist at pagsasampa ng kasong graft at economic sabotage at falsification of public documents ang mga sangkot na kontratista.