Dagupan City – Mas pinaigting ngayon ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Region 1 ang koneksyon ng kanilang mga proyekto sa investment program upang masigurong may sapat na pondo at suporta para sa mga ito.

Ayon kay Stephanie Christiansen, Regional Director ng DEPDev Region 1, kasama na ngayon ang kanilang opisina sa proseso ng paglalatag ng mga proposed projects.

Ito ay upang masigurong ang mga ito ay nakaangkla sa investment priorities at tugma sa layunin ng pambansa at lokal na pamahalaan.

--Ads--

Aniya, hindi kasi lamang basta-basta ang pagpapatayo ng mga proyekto.

Gaya na laman ng pag-update ng development plan, kung saan ay sinisigurado ng mga ito na may sapat na pagpaplano at inaasahang development results.

Dagdag pa niya, hindi na lamang basta tinatawag ang mga stakeholders para sa mga konsultasyon; mas pinapalalim na ang kanilang partisipasyon sa mismong proseso ng pagpaplano at desisyon.

Samantala, ayon naman kay Racquel Atawe, Division Chief of Planning and Development, masinsin ang proseso ng ebalwasyon at beripikasyon ng mga proyekto at programa.

Kung saan ay kinakailangan din na may validation na isinasagawa upang maayos na mapili at ma-prayoritisa ang mga programa at aktibidad.

Dito kasi aniya nakikita kung alin ang mas nangangailangan ng pondo at atensyon batay sa datos at pangangailangan ng komunidad.