Dagupan City – Nagkaroon ng pagbisita sa Salapingao Elementary School kaugnay ng isinusulong na mga panukalang proyektong pang-imprastruktura at site development.
Pinangunahan ito ng kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, katuwang ang pamunuan ng paaralan na pinamumunuan ni OIC Mila Z. Solis.
Bahagi ng nasabing aktibidad ang pormal na turnover ng mga food supplies para sa 98 mag-aaral ng elementarya.
Isasagawa ang distribusyon sa ilalim ng pangangasiwa ng paaralan, Parent-Teachers Association, at City Nutrition Office bilang bahagi ng programang tumutok sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga batang mag-aaral.
Ang Salapingao Elementary School ang magsisilbing pilot school para sa programang ito, na nakatuon sa pagsusulong ng sapat na pagkain at wastong kalusugan sa mga pampublikong paaralan.
Kasunod ng aktibidad, isinagawa rin ang turnover ng food supplies para sa Salapingao National High School sa pangunguna ng punong-guro nitong si Bernardita P. Azurin.
Ang mga supply ay inaasahang makatutulong sa nutritional support ng mga mag-aaral sa sekondarya.