Mga kabombo! Isa ka rin ba sa collector ng Pokemon cards at patuloy hinahangad ang chase cards sa bawat set? Hanggang saan aabutin ang pagiging desperado mo para makuha ito?

Rehas ang hihimasin ng isang 34 anyos na lalaki sa Iowa, USA at hindi ang kaniyang chase cards matapos nitong gastusin ang pondo ng kanilang kompanya para makabili ng Pokemon cards at iba pang gaming items.

Umaabot ng hanggang 4 na buwan ang pagkakakulong ang pinataw kay Mitch William Gross dahil ginamit nito ang halagang $140,000, o may katumbas na higit $8 million, na business-related credit cards ng kanilang kompanya para sa sarili nitong interes.

--Ads--

Lumalabas din umano na pineke ni Gross ang mga resibo na kaniyang ibinigay sa kaniyang employer.

Ginawa naman ito ni Gross simula noong September 2021 hanggang October 2022.

Maliban sa pagkakakulong, magbabayad din siya ng $146,590.15 para sa kaniyang mga ginastos.

Pag nakalaya na siya ay sasailalim pa siya sa supervised release na tatagal ng 3 taon.