Dagupan City – Ipapasakamay na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga kinauukulan ang pagimbestiga sa mga proyekto sa lalawigan matapos ilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang probinsiya na isa sa may pinakamaraming flood control project.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, mahalagang magkaroon ng masusing auditing sa lahat ng flood control projects sa lalawigan.
Aniya, nararapat lamang na ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Commission on Audit (COA), at iba pang kasaping departamento ang magsagawa ng masusing pagsusuri sa aktwal na estado ng mga proyekto.
Nanawagan din ang bise gobernador sa publiko, partikular sa mga residente sa lalaw
igan, na manatiling mapagmatiyag at aktibong makialam sa isyung ito.
Aniya, ang partisipasyon ng mamamayan ay mahalaga upang masigurong may pananagutan ang mga sangkot.
Matatandaan na isa sa isinusulong ngayon ng pangulo ay dapat na papanagutin ang mga nasa likod na mga palpak at ghost flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.