Mga kabombo! Isa ka ba sa mga user ng Chat gpt na isang artificial intelligence?
Aba! ang tanong aabot ba sa puntong ipapangalan mo ito sa magiging anak mo?
Isang pamilya kasi sa Colombia ang pumukaw ng atensiyon at naging dahilan ng debate sa social media matapos nilang pangalanan ang kanilang bagong silang na anak na babae na “Chat Yipiti” ngiiii?
Depensa naman ng mga magulang, ang pagpili sa pangalan ay isang “tribute” o pagpupugay sa kasalukuyang panahon ng artificial intelligence.
Ang pangalan ay opisyal na inirehistro sa National Registry office sa bayan ng Cereté nang walang anumang pagtutol.
Sa kabila nito, binatikos naman ng mga netizens ang pangalan at nagpahayag ng pag-aalala sa posibleng epekto nito sa bata sa hinaharap, tulad ng bullying.
Ayon naman sa ulat, hindi na bago sa Colombia ang pagrerehistro ng mga hindi pangkaraniwang pangalan.
Dati nang nagkaroon ng mga pangalang hango sa mga sikat na personalidad tulad ng “Maicol Yordan” mula sa pangalan ng sikat na basketball player na si Michael Jordan at “Brayan Spears” na mula naman kay Britney Spears.
Bagama’t may batas sa Colombia na nagbibigay kapangyarihan sa mga registrar na tanggihan ang mga pangalan na maaaring makasira sa dignidad ng isang bata tulad ng “Miperro”, na ang ibig sabihin sa Spanish language ay “Aking Aso” at “Satanas”
Dahil dito, nagpahayag din ng pagkabahala ang mga eksperto ng child psychology.
Ayon sa kanila, ang isang kakaibang pangalan na maaaring pagtawanan ay posibleng makaapekto sa self-esteem at emosyonal na kalusugan ng isang bata habang ito ay lumalaki.