Hinihiling ng Alliance of Concerned Teachers na madoble ang budget ng Department of Education para matugunan ang pangangailangan sa mga classroom, pangangailangan ng laptop computer na hindi nagmula sa utang, matiyak na may magamit ang mga guro na laptop computer na magamit sa pagtuturo at matiyak na may kuryente ang lahat ng paaralan.

Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers, isang magandang hakbang ang paglalaan ng katumbas ng 4% ng Gross Domestic Product (GDP) upang labanan ang lumalala at lumalalim na krisis sa edukasyon. Ito aniya ay nagpapakita na unti unti ay nagsimulang tumaas ang budget ng sektor ng edukasyon.

Una ng sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on finance,na maglalaan ang Senado ng mas malaking badyet sa Department of Education (DepEd).

--Ads--

Ngunit, para kay Basilio, hindi sasapat at dapat sanay 6 percent ng gross domestic product ang ilalaan sa education upang matugunan ang pangangailangan.

Inihalimbawa nito na sa 2026 national budget 4,000 na classroom samantalang ang kailangan sa buong bansa ay 165,000.