Guilty umano si Vice president Sara Duterte sa kanyang sinasabi na kulelat ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa pagdating sa edukasyon.
Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers, naging kalihim ng ang pangalawang pangulo at sa panahon niya nangyari ang napakaraming pagwawaldas sa pera ng departamento na sapat sanay ginamit ng tama upang matugunan ang pangangailangan ng DEPED.
Giit pa ni Basilio na hindi nila naramdaman ang pagiging kalihim niya noon dahil mas naging abala siya sa red tagging activities.
Ang kanya umanong pinagmamalaking libro na may isang kaibigan, ay hindi dumaan sa proseso ng checking at hindi nagtanong sa mga kaguruan patungkol dito.
Samantala, aminado si Basilio na marami pang kailangang gawin upang imodernize ang sektor ng edukasyon.
Aniya, marami pang kakulangan sa mga basic facilities, tulad ng mga silid aralan, aklat, upuan, mga gamit sa pagtuturo ng information and communication at marami pang iba.
Reaksyon ito ni Basilio sa pahayag ni VP Sara na lumalabas na kulelat ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa pagdating sa edukasyon.
Magugunita sinabi ni VP Sara na ang bansa ay nananatili sa “paper and pencil” level kumpara sa ibang bansa na may modernisadong education systems.