Nakumpiska ang nasa 7.12 ng gramo ng hinihinalang shabu at 550 gramo ng hinihinalang marijuana sa isang 32 na lalaki matapos ang isinagawang search warrant operation ng Pozorrubio Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1) sa barangay Banding sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.
Kinilala ang suspek bilang si alyas M na residente sa parehong bayan.
Nagkakahalaga ang nakumpiskang hinihinalang droga sa tinatayang PhP48,416.00, na nakalagay sa anim na heat-sealed na transparent plastic sachets habang ang hinihinalang marijuana ay may tinatayang halaga nq PhP66,000.00, na nakabalot sa diyaryo.
Bukod dito ay nakuha din sa pangangalaga ng suspek ang Isang (1) unit ng Caliber .38 revolver. Limang (5) piraso ng bala ng parehong kalibre, Isang (1) unit ng Caliber .22 pistol na may magazine na kargado ng limang (5) piraso ng bala at mga drug paraphernalia.
Samantala ang mga ebidensya sa operasyon ay sumailalim sa pag-iimbentaryo at pagmamarka na isinagawa sa lugar ng pinangyarihan sa presensya ng mga mandatoryong testigo at ng suspek, bilang pagsunod sa mga legal na kinakailangan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at haharapin ang mga paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).