Tinalakay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapatupad ng Z Benefit Package para sa orthopedic services sa isinagawang consultative meeting sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH).

Pinangunahan ang pagpupulong ng mga kinatawan mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Dr. Tracy Lou T. Bitoy, Acting Provincial Hospital Administrator.

Dumalo rin mula sa PhilHealth sina Dr. Marlene D. Soliba, Head ng Accreditation and Quality Assurance Section ng PRO I.

--Ads--

Layon ng pagpupulong na paigtingin ang ugnayan upang mapabuti ang access sa mga serbisyong orthopedic na sakop ng Z Benefit Package.

Ilan sa mga tinalakay ay ang pagpapahusay sa proseso ng hospital accreditation, pag-aangkop ng mga polisiya sa kasalukuyang pangangailangan sa serbisyong medikal, at pagsasagawa ng mga hakbang upang gawing mas abot-kaya at accessible ang espesyalistang orthopedic care para sa mga pasyente sa lalawigan.

Patuloy na inuuna ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapalakas ng sistema ng kalusugan at pagbibigay ng abot-kayang serbisyong medikal, lalo na para sa mga maysakit at kapus-palad na pamilya sa Pangasinan.

Muling pinagtibay ng PhilHealth at ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang pagtutulungan upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo, maisakatuparan ang mga programa nang mas epektibo, at matiyak ang mas magagandang resulta para sa mga pasyente sa ilalim ng Z Benefit Package para sa orthopedic care.

Nagbibigay ang package na ito ng komprehensibong proteksyong pinansyal upang makapagpokus ang mga pasyente sa paggaling sa halip na sa gastusing medikal.