Mga kabombo! Nasubukan mo na bang mawalan ng gamit?
Hinahanap mo ba ito agad? o isa ka sa mga nainiwalang hayaan mo lamang ito dahil babalik din naman agad?
Paano na lamang kung isang dekada na ang nakakaraan, aasa ka pa rin bang babalik ito?
Aba! Tila isang himala kasi ang nangyari sa lalaki mula Estados Unidos na kinilalang si Richard Guilford.
Ayon sa ulat, 11 taon na ang nakalilipas magmula nang mawala ang pitaka ni Richard.
At sa panahong iyun, ilang sasakyan mula sa Chicago ang may electrical issues at kinukumpuni niya hanggang sa nawala na lamang ang kaniyang pitaka sa kaniyang bulsa.
Kasamang nakalagay sa pitaka ni Richard ay ang kanyang driver’s license at Ford Motor Co. ID, $15 in cash at US$250 worth of gift cards mula sa American retailer na Cabella, na kilala sa hunting, fishing, boating, camping, and outdoor recreation merchandise.
Plano pa naman sana niyang gamitin ang gift cards sa pagbili ng Christmas para sa kanyang mga anak.
Nanatili namang misteryo para kay Richard kung ano na ang nangyari sa nawala niyang wallet sa loob ng maraming taon.
Hanggang sa may dinalang sasakyan sa motor shop ni Chad Volk na kinakailangang palitan ang cooling fans.
Matapos ang proseso at akmang ibinabalik na niya ang air box sa ilalim ng hood ng sasakyan, hindi na iyon magkasya.
Nang tanggalin niyang muli, nakita niya ang isang wallet na nasa ibabaw ng transmission.
Nang siyasatin niya ang wallet, nakita niya ang badge ni Richard.
Matapos nito, hinanap nito si Richard sa social media hanggang sa nakapag-usap na sila at tuluyan na ngang naibalik ang pitaka.