Dagupan City – ‎Tinalakay sa isinagawang joint executive-legislative meeting ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang napapanahong pagrerebisa ng 10-Year Solid Waste Management Plan.

Layunin nitong mas mapaigting ang sistema ng pamamahala sa basura alinsunod sa itinatakda ng batas at ng Department of Environment and Natural Resources.

Kabilang sa mga hakbang na inilatag ang pagbuo ng task force na tututok sa mga isyu sa basura, pagsasagawa ng Waste Analysis and Characterization Study, at pag-adjust sa work arrangement ng mga tauhan ng environment office para suportahan ang mga aktibidad sa ilalim ng revised plan.

Pinag-usapan din ang posibilidad ng pagpapatupad ng “no segregation, no collection” policy at muling pagrepaso sa paggamit ng plastik sa pampublikong pamilihan.

Isinabay rin sa pulong ang pagsusuri sa vision at mission ng bayan bilang bahagi ng update sa Comprehensive Development Plan.

Nakapaloob sa mga tinalakay ang mga kinakailangang aksyon para sa mas organisado at epektibong solid waste management sa mga susunod na taon.

--Ads--