May kaunting pag akyat ngayon ng farm gate price ng palay.
Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, umaasa silang magtuloy tuloy pa itong umakyat.
Aniya, ang presyo ngayon ng palay dito sa lalawigan ng Pangasinan ay nagkakahalaga ng P13 ang fresh harvest at P15 ang dry na palay.
Gayunman, maituturing pa ring below production cost pa rin ang nasabing halaga.
Ang target nila ay umabot sana sa P18 ang presyo upang kumita ang mga magsasaka.
Nauna rito, inihayag ng Department of Agriculture (DA) na tumaas ang farm gate price ng palay, isang linggo makaraang ianunsiyo ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang 2-buwang suspensiyon ng pag-angkat ng bigas simula sa September 1, 2025.
Samantala, sa kasalukuyan ay nananatiling sapat ang suplay ng bigas.
Magsisimula pa lang ng anihan sa Setyembre kaya inaasahang marami ang local na suplay hanggang pagsapit ng buwan ng Disyembre.
Samantala,muling inulit ni Engr. So ang pangangailan na pag akyat ng taripa sa 35 percent upang bumili ang mga traders sa mas mataas na presyo.
Magagarantiya na hindi umano malulugi ang mga magsasaka.