Mga kabombo! Naniniwala ka na ba sa forever?

Nako! Baka this time magbago ang isip mo?

Paano ba naman kasi, isang 75-anyos na lolo sa China ang piniling iwanan ang misis dahil sa AI?

--Ads--

Ayon sa ulat, ang lalaki na kinilala lamang sa apelyidong Jiang, ay labis na nahumaling sa isang babaing avatar na nakita niya sa social media.

Bagama’t halatang AI lamang ito para sa mga sanay sa teknolohiya, napaniwala si Jiang na isa itong tunay na babae.

Kung saan, umaabot na sa puntong araw-araw ay inaabangan niya ang mensahe mula sa AI avatar, na naging sanhi ng kanyang madalas na pagtutok sa cellphone.

Hanggang sa dumating ang araw na sinaway na siya ng kaniyang misis, at imbis na tumigil…Aba! Pinili pang makipagdiborsyo ni Jiang para maibigay ang kanyang buong atensiyon sa kanyang “online girlfriend”.

Sa huli, ang mga anak ni Jiang ang kumumbinsi sa kanya at ipinaliwanag na ang babaing kanyang minamahal ay hindi totoong tao at gawa lamang ng AI.

Ang kaso ni Jiang ay nagbigay-pansin sa isang luma­laking problema sa China kung saan ang mga matatanda, lalo na ang mga nalulungkot, ay nagiging biktima ng mga makatotohanang AI-generated content.

Ang mga avatar na ito ay ginagamit hindi lamang para magbenta ng mga produkto, kundi para na rin lumikha ng “emotional dependence” sa mga manonood.

Dahil dito, nagpaalala naman ang mga eksperto sa mga pamilya na bantayan ang online activity ng kanilang mga matatandang kamag-anak, lalo na kung labis na ang kanilang paggamit ng gadgets.