Hindi pa rin ramdam ng mga ordinaryong Pilipino ang pagbagal ng inflation sa bansa.
Ayon kay IBON foundation Executive Director Sonny Africa, bagamat bumagal ang inflation ay sobra namang sabihin na malaking ginhawa ang naramdaman ng mga ordinaryong Pilipino dahil ang tanong ay may sapat bang pambili ang mga mamayang Pilipino sa kanilang pangangailangan.
Sinabi ni Africa na kahit may kaunting pagbaba sa presyo ng pagkain, ay kulang naman ang pambili.
Samantala, ang pagbaba ng inflation ay hindi rin aniya puwedeng sabihin na dahil sa P20 na halaga ng bigas dahil kaunting bahagi ng bigas sa merkado ang naibenta sa ganoong kaliit na halaga ng bigas.
Giit ni Africa na ang pinamalaking salik sa pagbaba ng inflation ay ang pagbaba ng presyong krudo sa pandaigdigang pamilihan at kaunting paglakas ng piso kontra dolyar dahil sa umanoy paghina ng ekonomiya ng US.
Kinikilala naman ng Ibon Foundation ang nagagawa ng pamahalaan ngunit kaunti ang natutulongan dahil hindi natutugunan ang laki at lawak ng problema sa pamamagitan ng mas malaking budget para sa mas malaking programa.