DAGUPAN CITY – Walang Pilipinong naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Podul sa katimugang bahagi ng Taiwan.

Ayon kay Othman Alvarez, bombo International News Correspondent sa Taiwan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, bago pa tumama ang bagyo ay inabisuhan na ang mga Overseas Filipino Workers na maging handa sa pagtama ng kalamidad.

Tumama si Podul sa lungsod ng Taitung sa timog-silangan ng bansa at tumawid sa pinakatimog na bahagi ng isla, at makalipas ang ilang oras ay lumabas patungong Taiwan Strait.

--Ads--

Maituturing na isa ito sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa nasabing bansa.

Bagamat walang masyadong ulan pero malakas ang hangin kaya malaking pinsala ang iniwan nito lalo na sa timog ng Taiwan na nagdulot ng pagkawala ng isang tao, may mga hindi madaanang lugar at pagkansela ng maraming flight ng mga eroplano.

Sa kasalukuyan ay abala ang mga otoridad sa pagsasaayos ng mga sinira ng bagyo.

Madalas tamaan ng mga bagyo ang Taiwan, partikular sa kabundukang silangang baybayin nito na nakaharap sa Karagatang Pasipiko.

walang Pilipino naapektuhan ng bagfypdahilbago patumamaang bagyo ay inabiusuhan na ang mga Pilipino na ma[agahndaan ang bagyo.s