Dagupan City – Mga kabombo! Isinagawa ngayon araw ang paghahatid ng relief operation ng Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc. bilang bahagi ng Oplan Kabalaka – “Tulong Tan Panangaro” sa ilang barangay sa Dagupan City.

Kung saan ay namahagi ang Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc. ng 100 sacks/cavans ng well-milled rice sa halos 4 na barangay sa syudad ng Dagupan na naapektuhan ng Bagyong Emong at malawakang pagbaha.

Ang inisyatibang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Social Action Center ng St. John the Evangelist Shrine ng Arcdiocese of Lingayen-Dagupan ay naisakatuparan ng ating himpilan ang naturang relief operation.

--Ads--

Dahil dito, mga kabombo! Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagpaabot ng kanilang tulong.

Naging matagumpay ang OPLAN KABALAKA -“Tulong tan Panangaro” – dahil ang Bombo Radyo Philippines ay maasahan ninyo at pinagkakatiwalaan hindi lamang sa paghahatid ng napapanahong balita at tamang impormasyon kundi sa pag-alalay sa panahon ng krisis at kalamidad.

Sa kabilang banda, ipinaabot naman ni Brgy. Captain Lasip Chico Aldwyn Dexter Meneses ang kaniyang pasasalamat.

Ipinaabot naman nito ang kaniyang panawagan sa mga residente na huwag mag-atubiling tumawag sa kanilang mga barangay officials dahil nakahandang tumulong ang mga ito para sa kaligtasan at kapakapan sa lugar.

Samantala, ipinaabot naman ng ilang mga nakatanggap na residente ang kanilang pasasalamat sa natanggap na tulong.