DAGUPAN CITY- Nakapagtala na ang Taiwan ng 1 nawawala at 33 sugatan dulot ng epekto ng Typhoon Podul nang pasukin nito ang Southern area ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jason Baculinao, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, nagkaroon na ng kanselasyon ng mga pasok sa paaralan at maging sa mga trabaho, kabilang na ang Kaohsiung at Tainan.

Aniya, kinansela na rin ang flights sa mga paliparan.

--Ads--

Inilikas na rin ng mga awtoridad ang mga pamilyang napinsala ang kabahayan noong humagupit din ang bagyo noong nakaraang buwan ng Hulyo.

Aniya, sa pagpasok ng bagyo sa Taiwan ay nagparanas na ito ng malakas na pagbugso ng hangin at pag-ulan.

Umabot sa Signal no.3 ang lakas nito subalit, inaasahan ang unti-unting paghina ngayon araw habang papalabas ito at papatungong China.

Nagdulot na ito ng pinsala sa ilang mga bahagi, kabilang na ang mga bumabangon pa lamang mula sa huling naranasang pabagyo.