Mas lalawak pa ang maaabot lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng planong pagtatayo ng tatlong bagong kampus ng Pangasinan Polytechnic College (PPC) sa mga bayan ng Bugallon, Umingan, at San Carlos City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Raymundo Rovillos, President, Pangasinan Polytechnic College, masaya sila sa direktiba ni Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III na palawakin ang saklaw ng kolehiyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang distrito, lalo na ang mga may kakayahan ngunit hirap sa pagpasok sa kolehiyo dahil sa kahirapan.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 1,300 iskolar ang PPC, kabilang na ang 550 na bagong mga schoolars ngayong taon.
Ipinaliwanag ni Dr. Rovillos na bawat campus ay magkakaroon ng mga natatanging kurso na naaayon sa lokal na pangangailangan at upang maiwasan ang pag-uulit ng mga programa mula sa Lingayen campus.
Sa San Carlos City, itinatatag na ang School of Medicine, na malapit sa mga ospital upang matiyak ang epektibong clinical training at kasalukuyan na ding binubuo ang kurikulum para sa Doctor of Medicine program.
Sa Umingan, naman ay maaaring itatampok ang mga kurso sa Agriculture, Forestry, at Aquaculture, habang sa Bugallon naman ay itutuon sa Civil Engineering, kung saan isa ito sa mga larangang kailangan sa probinsya.
Samantala, nakahanay naman ang mga programang nakalatag na development plans hanggang 2031.
At target ng pamunuan na makapag-admit ng 5,000 estudyante sa tatlong bagong kampus at posible pang bumilis ang pag-abot higit sa nasabing bilang.
Bukod sa mga akademikong programa, palalakasin din ng PPC ang mga community programs, partikular na sa larangan ng primary healthcare.
Kung saan isa sa mga layunin ng mga bagong programa ay makapag-produce ng mga healthcare professionals na tutugon sa tunay na pangangailangan ng mga Pangasinense.
Samantala, sa higit sa isang taon na pagsasagawa ng programang Center for lifelong learning (CELL) ay mayroon ng 200 na nakapagtapos sa eletrical and maintenance.
Ang mga ito ay short courses mula sa CELL Program at sa ngayon ay marami na sakanila ang may sariling trabaho at nagkaroon ng access na free kit mula sa TESDA.