Nanawagan ang National Parent-Teacher Association (PTA) Philippines ng mas mahigpit at sistematikong aksyon laban sa tumitinding kaso ng bullying sa mga paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Lito Senieto, Executive Vice President ng National PTA, kasalukuyang pinaplano ng kanilang hanay ang paggawa ng opisyal na liham na ipapadala kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang ipanawagan ang agarang pag-aksyon sa isyu.

Binanggit niya ang kahalagahan ng presensya ng mga guwardiya sa loob ng paaralan.

--Ads--

Kasabay nito, iminungkahi rin niya na dapat ang mga principal, guidance counselors, at head ng security ay regular na umiikot sa campus upang maagap na matukoy kung may mga mag-aaral na posibleng may dalang armas o kasangkot sa mga fraternity na hindi awtorisado.

Dahil dito mariin niyang binanggit na hindi lamang dapat sila naghihintay ng reklamo bago umaksyon.

At huwag lamang kumilos kapag mayroon nang naiulat na insidente.

Sa halip, dapat anila ay maglabas ng direktiba mula sa national level hanggang sa school level upang aktibong maagapan ang anumang banta sa kaligtasan ng mga estudyante.