Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Dagupan City Police Station kung sino ang nasa likod ng naging bomb threat kagabi sa University of Pangasinan.
Ayon kay Pltcol. Lawrence Keith Calub ang chief of Police ng nasabing himpilan pasado alas onse ng gabi ay may natanggap silang report mula sa isang concerned citizen na may nabasa sa isang socila media page na may itinanim o inilagay umanong mga bomba sa ilang mga gusali ng nasabing unibersidad.
Dahil dito agad silang nagsagawa ng panelling at paghahalughog sa limang building na nabanggit sa post gaya ng Nursing Department Areas, NH building, CMA building, MBA Building at Gymnasium.
Kasama nila sa pagtutok sa lugar upang isecure ay ang 4th explosive Ordinace Disposal ang Canine (K9) Group, PBDC Focal Officer/Personnel, BFP at CDRRMC para sa mabilisang responde kung may pangyayaring hindi inaasahan.
Saad nito, sa 3 oras nilang pagsasagawa ng panelling o paghahalughog sa lugar ay wala naman silang nakita o nahanap na bomba kaya masasabi nitong ligtas ngayon ang nasabing unibersidad.
Patuloy naman ang kanilang koordinasyon sa Regional Anti-Cyber Crime Unit upang malaman kung sino ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng BOMB THREAT sa Social Media.
Sa ngayon ay hindi naman ipinagpaliban ang klase at nananatiling ligtas ang unibersidad sa anumang mga banta.
Paalala naman ni Pltcol. Calub sa mga estudyante at pamilya kung may mga kahina-hinalang bagay na makita sa unibersidad ay agad na isumbong o idulog sa kanilang himpilan upang ito ay matutukan.