Naging maayos at matagumpay ang proseso nito sa kabuuang bayan at syudad dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang sampung araw na isinagawang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE),

Ayon sa naging panayam kay Atty. Marino Salas, Comelec Supervisor ng Comelec Pangasinan na bagamat limitado lamang ang inilaang panahon kaugnay dito ay nalagpasan ng Comelec Pangasinan ang kanilang target na 75,000 kung saan nakapagtala sila ng 110,647 na bilang ng mga applicants at 73,000 dito ang may edad 15-17 years old o para sa Sangguniang Kabataan habang 37,000 naman ay sa mga regular.

Aniya dahil sa limitadong panahon at mga kagamitan ay nahirapan din sila sa pag accomodate ng mga applicants mula sa iba’t ibang bayan lalo na nagkaroon ng mga last minute na pagpaparehistro.

--Ads--

Dagdag pa niya na nakita rin nila ang pagiging aktibo ng mga kabataan ngayon bukod sa pagtungo nila sa mga paaralan sa lalawigan at maging sa mga sattelite registration na kanilang itinalaga gaya na lamang sa isang mall sa lungsod ng San Carlos at Dagupan City.

Bukod dito ay magpapatuloy naman ang kanilang mga aktibidad kaugany dito kung saan icoconsolidate ang lahat ng mga applicants para dumaan sa ERB hearing at malalaman ang mga approved at disapproved applicants para sa kabuuang datos ng isinagawang voter’s registration.