Nahuli ang isang 45-anyos na lalaki na itinuturing bilang street Level Individual sa bayan ng Calasiao matapos makuhanan ng hinihinalang shabu.
Sa ikinasang buy bust operation ng Calasiao Municipal Police Station at pakikipagtulungan ng PDEA R01 ay naaresto ang suspek.
Naganap ang operasyon sa Barangay Macabito kung saan nagresulta ng pagkakakumpiska ng nasa 0.641 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP4,358.8.
Bukod dito ay nakuha rin sa kanya ang isang buy-bust money na isang dusted genuine 500-peso bill at boodle money.
Matapos ang operasyon ay isinagawa naman ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng insidente sa harap ng mga saksi at ng suspek,alinsunod sa itinatakda ng batas.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.