DAGUPAN CITY- Pahirap umano para sa libo-libong mangingisda at sa komunidad ang isinasagawang dredging at reclamation projects ng gobyerno.

Ayon kay Fernando Hicap, Chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa bahagi ng pangisdaan ay nasisira ang mga coral reef o ang natural na pinamamahayan ng mga isda habang, inaabot naman na ng malalakas na alon ang mga kalapit bahay.

Aniya, 80% ng kabuhayan ng mga mangingisda ang nawala sa bahagi ng Manila Bay dahil sa reclamation projects.

--Ads--

Natambakan na kase ang natural na pangangailangan ng mga isda, kabilang na ang sea grass.

Habang sa tuwing high tide, lumulubog na ang mga kalapit kabahayan at mas nagiging malala ang epekto, lalo na sa bahagi ng Bulacan, kapag sinabayan pa ito ng pag-ulan.

Giit niya na lumalawak pa ang mga maaapektuhan nito dahil nagdudulot pa ng karagdagang salik sa polusyon ang nasabing mga proyekto.