DAGUPAN CITY- Mariing kinokondena ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang kamakailan delekadong pagmamaniobra ng mga Chinese lawenforcers sa West Philippine Sea habang malapitang binubuntutan ang barko ng Pilipinas na nauwi sa banggaan ng dalawang Chinese vessels.

Ayon kay Fernando Hicap, Chairperson ng nasabing grupo, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nakikita nilang pananakot lamang ito ng China at mapigilan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatrolya.

Bukod pa riyan, aniya, maaaring pagtugon din ito ng China sa tuloy-tuloy na military exercises ng Pilipinas kasama ang mga kaalyadong bansa sa nasabing karagatan.

--Ads--

Giit ni Hicap na tila nagwawala na rin ang China dahil hindi nila tuluyang maitaboy ang mga Pilipinong mangingisda sa karagatang kanilang inaangkin.