Makakahinga ng kaunting ginhawa ang mga motorista ngayong linggo matapos ianunsyo ng mga kumpanya ng langis ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo na aabot hanggang P1.50 kada litro.

Sa isang abiso ngayong araw, sinabi ng Seaoil na magpapatupad sila ng bawas-presyo na P1.50 kada litro para sa diesel at P1.30 kada litro para sa kerosene.

Bababa rin ang presyo ng gasolina ng 40 sentimos kada litro.

--Ads--

Ayon sa mga industry player, ang rollback ay dulot ng pagtaas ng produksyon ng langis sa pandaigdigang merkado at ang patuloy na kalituhan sa mga polisiya sa taripa sa malalaking ekonomiya na siyang nagpapabagal sa aktibidad ng pandaigdigang ekonomiya.

Samantala, iniulat na walong miyembro ng OPEC+ ang nagtaas ng kanilang produksyon ng langis ng kabuuang 547,000 bariles kada araw, bagay na nag-ambag din sa pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.