Dagupan City – Ipinaliwanag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino ang “No Billing Policy” na binanggit ng pangulo sa kaniyang ika-4 na State of The Nation Address.

Ayon kay Vice Governor Lambino, kabilang sa mga serbisyong libreng maibibigay sa ilalim ng nasabing polisiya ay ang mga laboratory tests, diagnostic procedures, at iba pang pangunahing serbisyong medikal.

Sa ilalim ng patakarang ito, hindi na kailangang magbayad ng kahit isang sentimo ang mga pasyenteng kwalipikado, partikular na ang mga itinuturing na indigent o charity patients.

--Ads--

Dito na nilinaw ni Lambino na mayroong limitasyon ang libreng serbisyo, at ito ay nakalaan lamang sa mga pasyenteng walang kakayahang pinansyal.

Kaugnay nito ay tiniyak din ng Provincial Hospital Management and Services Office (PHMSO) ang mahigpit na pagpapatupad ng “No Billing Policy” sa 14 na pampublikong ospital sa lalawigan .

Katuwang na rito ang subsidiyang tulad ng PhilHealth Konsulta, MAIC (Medical Assistance to Indigent Patients), at ang general fund ng probinsya.