DAGUPAN CITY – Pumanaw na si Astronaut Jim Lovell, na gumabay sa misyon ng Apollo 13 pabalik sa mundo nang ligtas noong 1970, sa edad na 97.

Sinabi ng NASA na ginawa niyang isang tagumpay ang isang posibleng trahedya matapos ang hindi natuloy na paglapag sa buwan bunsod ng pagsabog sa loob ng sasakyang pangkalawakan habang nasa daan-daang libong milya pa ito mula sa Earth.

Milyon-milyong tao ang nanood sa telebisyon habang sina Lovell at dalawa pang astronaut ay ligtas na bumalik sa mundo at lumapag sa karagatang Pasipiko na isang sandaling naging isa sa mga pinakabantog sa kasaysayan ng paglalakbay sa kalawakan.

--Ads--

Si Lovell, na bahagi rin ng misyon ng Apollo 8, ang kauna-unahang tao na nakapunta sa Buwan ng dalawang beses.