Dagupan City – Inilunsad na ng Municipal Health Office ng Mangaldan ang orientation bilang paghahanda sa Bakuna Eskwela 2025.
Dinaluhan ito ng mga district nurses ng Department of Education at rural health midwives upang talakayin ang mga hakbang sa pagbabakuna, kabilang ang pagkuha ng pahintulot mula sa mga magulang.
Layunin ng programa na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit gaya ng tigdas, tetano, at HPV.
Target bakunahan ang mga nasa Grades 1, 4, at 7.
Mas pinaaga ng DOH ang rollout ng MR at Td vaccines ngayong Agosto.
Tatagal ang kampanya hanggang Nobyembre upang mas marami ang mabakunahan.
Hinimok ang mga magulang na makiisa at suportahan ang programa para sa kaligtasan ng mga bata.
--Ads--