Dagupan City – Tutungo sa araw ng Lunes Agosto 11 ang mga tauhan ng Land Transportation Office Dagupan City District sa bayan ng Mangaldan para sa kanilang Plate Distribution Caravan.

Isasagawa ito sa Mangaldan Municipal Hall Grounds mula alas 9 ng umaga at alas 4 ng hapon.

Layon ng aktibidad na ito na maipamahagi na ang mga nadelay na plaka para sa mga sasakyang rehistrado mula 2017 pababa alinsunod sa pagpapatupad ng “No plate no Travel Policy” sa buwan ng Octobre

--Ads--

Kasama din ang pagpapalit ng 7-digit plates tungo sa 6 digit plates.

Sa mga nais magtungo sa lugar upang makakuha ng kani-kanilang plaka ay maaring dalhin lamang ang kanilang mga orihinal at photocopy ng latest na OR/CR, valid Id ng rehistradong may-ari, at deed of sale kung hindi pa naililipat ang ownership ng sasakyan.

Samantala, maari namang magtungo sa kanilang website na www.ltotracker.com upang icheck online kung available na ang plaka ng kanilang mga sasakyan.

Hinihimok naman ang publiko na makiisa sa mga nasabing kaganapan upang maiwasan ang mga maaring multa o maging ang mga abalang na maaring maranasan sa tuwing babyahe sa kalsada.